About
Balikbayan |
|
Atin
’to |
Salamat kabayan
at binabasa nyo ngayon itong magasing Balikbayan. Kung
kayo ay nasa ibayong-dagat, talagang para sa inyo ito
kahit na ang kahulugan ng salitang balikbayan ay iyung
mga bumalik sa Pinas mula sa ibang bansa. Kung hindi pa
man kayo balikbayan, para sa inyo pa rin ito dahil darating
ang panahon na uuwi naman kayo sa Pilipinas. Di ba, day?
Sa mga kapatid nating nasa bayan, para sa inyo rin ito
dahil meron tayong kamag-anak, kaibigan o mahal sa buhay
na OFW at nais nating malaman ang kanilang kalagayan ngayon.
Hangad naming ipadama sa mga overseas Filipinos na malapit
kayo sa inyong mga kababayan saan mang dako ng mundo kayo
naroroon. Nais din naming ipadama na katabi lang kayo
ng mga naiwan nyo sa Pilipinas dahil sila man ay nami-miss
din kayo.
Kahit nag-e-email at pa-text text na lang tayo sa asawa
o kaibigan nating nasa malayong lugar, kahit nalalaman
natin ang balita at showbiz tsismis dahil napapanood na
ang TV Patrol o Eat Bulaga sa ibang bansa, kahit huli
dumating ang kopya ng Manila Bulletin, People's Journal,
songhits o anumang komiks at magasin sa Hong Kong at Singapore,
palagay ko naman ay sisilip pa din kayo sa Balikbayan.
Dahil tulad ng ibang pahayagang Pilipino na gawa sa lugar
nyo o sa Maynila, ihahatid namin ang samu't saring balita
sa inyo mapa-pulitika o mapa-showbiz. Maging ang mga nangyayari
sa industriya ng manpower export ay malalaman nyo sa Balikbayan
tulad halimbawa ng bagong regulasyon, kumpanyang nangangailangan
ng mga trabahador, training center na dapat puntahan,
atbp..
Tulad ng pakikichika nyo sa pamamagitan ng e-mail at cellphone,
sa Balikbayan ay maipapahayag nyo ang sarili nyong damdamin
sa iba-ibang isyu. Malalaman nyo rin ang mga kuro-kuro,
sentimyento at kaalaman ng mga kapwa nyo migrante, mga
opisyal ng bayan at mga eksperto.
Sisikapin ng Balikbayan na tulungan ang mga OFWs na may
problema. Ang aming mga kolumnista ang siyang magbibigay
ng payo sa kanila.
Ipakikilala ng Balikbayan sa inyo ang iba pang masikap
na bagong bayani. Ipapasyal din namin kayo sa iba't ibang
lugar sa Pilipinas.
Kung mahilig naman kayo sa horoscope, fashion at sports
meron din tayo nyan.
Sa pagtagal, dadagdagan ng Balikbayan ang laman nito ng
iba pang interesting topics na patok sa mga overseas Pinoy
and Pinay. Ano ba ang gusto nyo? Hala, I-email na sa balikbayan_magazine@hotmail.com
o balikbayan_magazine@yahoo.com.
Tulad ng balut, basag man o hinde, sana ay magustuhan
nyo ang Balikbayan. Kung hindi man ito malinamnam sa panlasa
nyo ngayon, palagay ko ay magugustuhan nyo ito sa susunod
na tikim nyo. Apay? Bakit? Baka kasi naninibago pa kayo
e. Kaya subukan nyo lang.
O sya, happy reading and viewing.
Salamat, mag-ingat at mabuhay kayong lahat. |
|
|
|
|
|
|
 |
SEX
BOMB GIRLS. Fourteen boob-tube babes would like
to help fight lawlessness and evil in our crime-infested
communities. How are they going to do it if they have
superpowers? |
|
|
|
|
|
GET
YOUR COPY NOW |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|