|
----------------------------- |
|
|
|
|
economy |
|
Masaganang
bukas hatid ng koop ng marino |
Sa
dami ng inimbentong paraan ng pag-iipon ng pera para may
panggastos sa bukas at oras ng kagipitan, siya rin namang
dami ng gastusin o luho ng kabayan nating nagbabanat ng
buto sa ibang bansa kaya mistulang pobre sila pag-uwi
sa Pilipinas. Kahit na may kontribusyon sa OWWA, Medicare
o Philhealth, SSS, Pag-IBIG, unyon at insurance; impok
sa bangko; o biniling stocks, mayron pa ring balikbayang
migrante na hindi nakabili ng bahay, hindi nakapagtayo
ng negosyo, hindi nakapag-paaral ng anak, walang pang-ospital
kapag nagkasakit. Masakit pa nito, iba ang nakikinabang
sa perang nilagak nila sa OWWA at SSS. Tsk, tsk tsk. Pobre
nga kayo.
Pero wag mawalan ng pag-asa. Kasi,
kahit hindi rin lang maaasahan ang mga ahensyang ito (at
talaga namang hindi dahil pag kinukuha mo na ang kontribusyon
mo sa OWWA at SSS para makapag-negosyo ay kailangan pang
utangin mo ito o kaya’y magbigay ka ng kolateral,
ano ba ‘yan e pera mo nga yon ‘no), mayron
pa ring nagsusulputang pormula para masigurong may laman
ang bulsa natin kung di na tayo makatrabaho.
Naririyan na ang pagtatayo ng sariling negosyo gamit ang
konting napag-ipunan. E sa mga kulang naman ang naimpok
para pampuhunan, meron ding alternatibo.
Subukan naman daw natin ang kooperatiba.
Parang korporasyon ang koop. Ang mga bumubuo ng koop ay
naglalaan din ng pera pampuhunan sa negosyo katulad ng
mga negosyante o may-ari ng korporasyon. Ang pagkakaiba
lang ay kung sa korporasyon ay ang mamumuhunan lang ang
may-ari ng negosyo, sa koop naman ay mga miyembro ang
nagmamay-ari at kumikita sa negosyo.
Mukha namang mas maigi ang koop
at maaasahan. Sa mga probinsiya, maraming kooperatiba
ng magsasaka at negosyante ang matagumpay na kumita ng
pera para sa benepisyo ng mga miyembro nito at patuloy
na sumusustento sa kanila kahit wala silang trabaho. May
mga naglalako sa palengke ng Paco, Maynila ang bumuo ng
sariling kooperatiba at ngayo’y may sarili nang
tindahan. May nagsabi na ang Lufthansa, ang pangunahing
airline ng Germany, ay isang kooperatiba. Kung iisipin
mo ang katayuan ng miyembro ng koop na ‘yun, isipin
mo na lang kung gaano kalaki ang kita ng Lufthansa.
Marami nang OFWs ang nagtatag
ng koop para meron pa rin silang pagkakakitaan pagbalik
ng sariling bayan. Karaniwan sa mga kooperatibang OFWs
ngayon ay kinabibilangan ng mga pamilya ng land-based
workers sa Saudi. Ang koop ay nagnenegosyo o nagbebenta
ng produktong agrikultura sa probinsiya.
Sa mga marinong nagtatrabaho sa
international at interisland merchant ships, meron na
ring koop para sa inyo: Ang Kooperatiba ng Marino o AKMA.
Bagong tatag lang ni Capt. Reynold
M. Sabay, ang may-ari ng New Simulator Center of the Philippines
Inc., kasama ang 52 iba pang kabaro niyang marino.
Kung tutuusin, ang AKMA lang ang
nag-iisang koop ng marinong Pilipino sa ngayon. Marino
lang (yung nakatapos ng isang kontrata sa abroad o isang
taon sa lokal na barko) ang maaaring mag-miyembro dito.
Ang pondo nito ay bubuuin ng kontribusyon ng mga marino
sa halagang $1 o P50 bawat araw, bawat isang marino sa
loob ng limang taon.
Ang kontribusyon ay maipapadala saanman ang marino sa
pamamagitan ng mga sangay ng Bank of the Philippine Island
sa loob at labas ng Pilipinas.
Nakarehistro na sa Cooperative
Development Authority ang AKMA at nagsimula na ito sa
pagyaya ng miyembro. Pero sa susunod na taon pa magsisimula
ang mga bagong miyembro na maghulog ng kontribusyon kada
buwan na maghahalaga ng $30 o P1,500.
Magkakaroon ng $365 milyong pondo
ang AKMA sa loob ng limang taon kung ang lahat ng tinatayang
200,000 aktibong marino sa labas ng bansa ay sasapi sa
koop. Mas malaki pa sa $365 milyon ang magiging pondo
nito paglipas ng limang taon kung pati 200,000 pang marino
na nasa Pilipinas ang sasama sa AKMA. Sa ngayon, may P3
milyon kapital ang AKMA na nagmula sa 53 miyembrong nagtatag
ng koop.
Magsisilbing parte (o share) sa
koop ang kontribusyon ng miyembro. Ang pera nila ay parang
ipon sa bangko na kikita ng interes bawat taon at dibidendo
mula sa kita ng anumang negosyo ng koop. Kahati rin ang
lahat ng miyembro sa mga bayarin ng koop.
Bukod sa pagbuo ng kapital, layunin
ng AKMA na hikayatin ang mga miyembro na magtipid, palaguin
ang pondo ng AKMA, magpautang sa mga miyembro, magtayo
ng negosyo o turuang mag-negosyo ang miyembro, magtinda
ng produkto at magbigay ng serbisyo sa miyembro, bumili
ng lupain at magtayo ng bahay para sa miyembro, itaas
ang antas ng pamumuhay ng miyembro at magtayo ng sariling
bangko.
Ang mga negosyong pwedeng pasukan
ng AKMA ay pagbibigay ng life o health insurance, pensyon
o retirement plan, educational plan, at retail at general
merchandise. Maaari din itong mamuhunan o bumili ng government
securities at securities ng ibang koop.
Sa isang seminar ng AKMA, pinaliwanag
ni Sabay sa mga marino na ang miyembro ng AKMA ay maaaring
magkapag-cash advance para sa kanyang pamilya kung siya
ay papasakay pa lang ng barko dahil aabutin ng dalawa
hanggang tatlong buwan bago siya makakapagpadala ng allotment.
“We can offer a low interest rate of 2%. Ang kita
ng koop sa interes sa pautang ay babalik din sa members.
Kaya win-win situation tayo sa business,” sabi ni
Sabay.
Plano din ng AKMA na magtayo ng
tinatawag na Seafarers’ Exchange Center sa Maynila
na tutuluyan ng mga libo-libong marino sa Luneta. Ang
sentrong ito ay mag-aalok ng bilihin o serbisyo sa kanila
at magsisilbing lugar kung saan sila makakahanap ng trabaho
o makakakuha ng kailangang impormasyon.
Sa Enero ng 2003 ay magkakaroon
ng pagtitipon ang lahat ng mga miyembrong matatanggap
sa koop hanggang katapusan ng 2002. (Maging ang mga marino
na nasa barko ay makakaboto sa website ng AKMA sa pamamagitan
ng Internet.) Kanilang pipiliin ang 15 board of directors
na mamamahala sa koop at pondo nito.
Ang board pati na ang mga taong
mamamahala at magpapatakbo ng koop ang siyang mananagot
sa mga miyembro hindi katulad sa gobyerno na “walang
accountable at hindi alam kung sino ang hahabulin”
kapag nagkaproblema, ayon kay Sabay. Tinutukoy niya ang
SSS na nanganganib maging bangkarote at ang OWWA na walang
pondo daw.
Sabi pa ni Sabay, “OWWA
has not demonstrated a solid program to benefit and empower
Filipino seafarers.”
Sa pagpili ng negosyong itatayo,
pag-aaralang mabuti ng board para masiguro na hindi malulugi
ang koop. “Hindi sari-sari store ang style natin.
Henry Sy o Gokongwei ang style dito,” sabi ni Sabay,
tukoy ang mga higanteng negosyante at mall operator sa
Pilipinas.
Kung kinakailangan ng actuarian
o serbisyo ng mga economic and political forecaster tulad
ng Stratfor na siyang nanghula na matatanggal sa pagka-presidente
si Joseph Estrada bago matapos ang termino nito, sasangguni
ang AKMA dito upang masiguro na walang masayang sa pondo
ng koop, ayon kay Sabay.
Ang pipiliing negosyo at iba pang
pasya ay kailangan ding sang-ayunan ng lahat o karamihan
ng miyembro sa isang botohan. Lahat ng miyembro, malaki
man o maliit ang parte sa koop, ay may katumbas na isang
boto.
Hindi naman mahirap sumali at
mag-contribute sa AKMA. Siniguro din ng koop na hindi
masasayang ang kontribusyon ng bawat miyembro sakaling
magipit o may mangyaring masama sa kanila.
Halimbawa, kung ang miyembro ay
namatay, maaaring kunin ng kanyang legal na asawa o dependent
ang kanyang parte at kita sa koop. Maaari ding ariin ng
asawa ang parte ng yumaong marino bilang associate member
upang makuha niya ang kita nito pagpatak ng ika-limang
taon. Siya nga pala, bahagi ng pondo ng AKMA ay gagamiting
pang-abuloy sa mga namatay na miyembro. Kung magkano ay
pagpapasyahan pa sa general assembly.
Kung ang miyembro naman ay biglang
ginipit at hindi makapagbigay ng kontribusyon, maaari
niyang panatilihin sa koop o kunin ang kanyang pera sa
AKMA. Wala siyang lugi hindi katulad sa unyon at Philhealth
na kapag tatlong buwang sunod-sunod na hindi makalaan
ng pera ang miyembro ay hindi makakakuha ng benepisyo.
Para sa detalye kung paano sumali
sa AKMA at patakaran nito, bisitahin ang website ng koop
sa www.filipinoseafarer.com.
Taong 1994 nang maisip ni Sabay
ang ideya ng koop para sa mga marino. Ngayo’y isang
na itong realidad. Ang partisipasyon na lang ng mga marino
ang kulang upang maging tagumpay ang AKMA sa hangarin
nitong maitaas ang antas ng kabuhayan ng kanyang mga kabaro.
Hindi hadlang ang layo at lugar ng marino para sumali
at makilahok sa takbo ng koop dahil gumagawa na ng mekanismo
ang AKMA upang bigyang-daan ang regular na pagtitipon,
pag-uusap at pagpapasya ng mga miyembro sa pamamagitan
ng Internet. Inaasahan ni Sabay na tatanggapin ng CDA
ang botohan o pagpapasya sa ganitong modernong paraan.
"We have a good chance that
the CDA will approve our plan of online voting because
under the E-commerce Law, anything done electronically
is binding," sabi niya.
Sakali mang pumayag ang CDA at
maisagawa ng AKMA ang kanilang elektronikong paraan ng
pagboboto at pagpapatakbo ng koop, mauunahan pa nila ang
Commission on Elections na gawin sa tulad na paraan ang
pagboto ng OFWs mula sa abroad o ang tinatawag na absentee
voting.
Ang galing naman talaga ano? Aba'y
subukan nga natin kung may pupuntahan ang ipon natin sa
AKMA. |
|
Global
boycott of Sega products called |
Volunteers
of the San Francisco-based political action group FilAmVoters
is organizing a global boycott of products of video game
maker Sega America Inc. after it fired 12 workers for
being Filipinos.
Roberto Kinner said his group, which is dedicated to winning
equal opportunity and justice for all Filipinos, will
hold rallies in front the Sega America Inc. office in
San Francisco. Several US college campuses will join the
boycott, he said.
Last September, Sega America decided
that it was game over for OFWs Frederick Acebo, Joseph
Amper, Michael de la Cruz, John Diamonon, Antonio Eco,
Beejey Enriquez, Berjes Enriquez, Benjamin Galvez, Rommel
Hernandez, Jeriric Herrera, Romel Linosnero and Jeffrey
Siderio. Sega cited economic reasons for firing the 12
Filipino computer game testers but FilAmVoters said the
management dismissed them after a non-Filipino worker
complained of favoritism by a Filipino supervisor.
The Equal Employment Opportunity
Commission (EEOC) filed a lawsuit charging discrimination
on behalf of 12 at the San Francisco District Court against
game makers Sega America Inc. and manufacturer Spherion
Corporation. The EEOC asked the court to enjoin Sega and
Spherion from engaging in discrimination based on national
origin and pay damages.
“We are asking all Filipino
Americans and Filipino parents worldwide to involve their
kids in the boycott of Sega, the giant computer game maker
from Japan,” FilAmVoters said. Wag kasing gagalitin
ang Pinoy. Julie Javellana-Santos/OFW Journalism Consortium |
|
Business
as usual for defiant POEI |
The
Philippine Overseas Employment Industry Foundation (POEI)
will continue to issue Artist Record Books (ARBs) to its
Japan-bound recruits despite the warning of the Philippine
Overseas Employment Administration (POEA) and the Technical
Education and Skills Development Authority (TESDA) that
TESDA is the only agency authorized to issue such books.
Janet Ducayag, spokesperson of
the POEI, said the agency had already issued ARBs to five
overseas performing artists (OPA) and the OPAs obtained
Japanese visa. She declined to identify the OPAs. She
said POEI charged P400 for each ARB.
Ducayag said the recruitment firm
has the right to issue ARBs because the POEA no longer
has the authority to regulate the recruitment industry
under Republic Act 8042. Under the said law called the
Migrant Workers Act of 1995, the regulatory functions
of the POEA should have been phased out in 2000 or five
years from the effectivity of the law in 1995.
Ducayag added that a court barred
the Department of Labor and Employment (DOLE) from implementing
an order transferring the function of issuing ARBs to
TESDA by December and that the DOLE, POEA and TESDA have
not filed a case against POEI for issuing ARBs.
The POEA and TESDA claimed that
the Japanese embassy and immigration office only recognize
ARBs issued by them.
POEA Administrator Rosalinda D.
Baldoz said the court did not authorized the POEI from
issuing ARBs. Ano ba talaga? Ang gulo nyo! |
|
Simulator
training centers hurting |
Simulator
training for seafarers in the Philippines is turning out
to be a fad rather than a trend. The simulator-buying
binge by training centers is over and operators are now
hard-pressed on how to recoup their multi-million investments
on these machines, which are designed to upgrade seamanship
skills, because of lack of patronage. The Makati City-based
New Simulator Center of the Philippines Inc. is one of
the few simulator centers experiencing poor business nowadays.
Capt. Reynold M. Sabay, president of New Simulator, admitted
that only 10% of the capacity of his state-of-the-art
simulator facilities are utilized.
“Simulator training is suffering
because of the resistance of the Filipino culture to technology
and development,” lamented Sabay.
He added that simulator trainers are not getting enough
support from the government and the industry it serves.
Seafarers groups and some manning agencies oppose mandatory
simulator training because it is so expensive and the
PRC backtracked in imposing such training.
“Sa ibang bansa, government supports simulator training
through policies and regulations,” he said.
The Association of Norcontrol
Simulator Users of the Philippines (ANSUP), which groups
training centers using the Norwegian simulator brand Norcontrol,
is also “weak” in fighting for the interest
of members. ANSUP is currently headed by Eduardo R. Santos,
president of the Maritime Academy of Asia and the Pacific
in Mariveles, Bataan.
Asked if how the company is coping with the slack business,
Sabay said, “Puro abono, masakit.”
Aray ku! |
|
Building
of cargo term’l in new airport stopped |
Aircargo
forwarders and concerned businessmen taunted the Ninoy
Aquino International Airport Passenger Terminal 3 as the
only airport without a cargo facility. The AirCargo Forwarders
of the Philippines Inc. and the Save our Skies (SOS) Movement,
which is composed of businessmen who advocates the liberalization
of the airline industry, even wanted that the new airport
do not operate until a cargo terminal is built there.
But the Philippine Air Terminals
Co. Inc. (PIATCO), builder of the airport, is not to blame.
“We tried to put up a cargo warehouse near Terminal
3. But we were prevented by the MIAA (Manila International
Airport Authority, the manager and developer of NAIA).
That’s not part daw of our obligation. And they
are saying that the cargo terminal is to be built by them,”
PIATCO spokesman Atty. Moises Tolentino said.
He said PIATCO also is in the
business of cargohandling. “There’s a provision
in our concession agreement that we have to put up a cargo
terminal. When we started putting up the foundation of
the cargo terminal, MIAA general manager Edgardo C. Manda
issued a cease and desist order. We are ready to build
it but since the government takes a different view of
our agreement on this matter, we can’t do anything,”
Tolentino added.
Meantime, aircargo forwarders
will have to use the NAIA 2 cargo terminal, which is about
four kilometers away from NAIA 3. Magtiis na lang kayo. |
|
Roadie |
Transport
goes natural |
Goodbye
smoke-belchers! Hello clean air!
If the government could have its
way, the days of the air-polluting-fuel-consuming vehicles
would be over.
President Gloria Macapagal-Arroyo recently unveiled a
breakthrough public transport program in which vehicles
are to be powered by a low-cost, locally produced and
environment-friendly fuel-compressed natural gas or CNG.
The fuel will come from the natural
gas produced by the Malampaya wells off Palawan and piped
to the Malampaya Deepwater Gas to Power Project plant
in Batangas.
Arroyo said she has even asked
the Malampaya consortium—composed of Shell Philippines
Exploration B.V., Chevron-Texaco and the Philippine National
Oil Company—to supply CNG fuel at half the price
of diesel fuel.
Macapagal said the new CNG transport
program signified a “step forward” in the
country’s independence from imported fuels, with
Malampaya now supplying 18 percent of power requirements
adding this would also liberate the country’s transport
sector..
A bus company, which Arroyo did not identify, will undertake
a pilot project next year involving 100 buses that would
be fully fueled by CNG.
She said the Land Transportation and Fare Regulatory Board
would be granted three franchises for the natural gas
fleet, two for the Manila-Batangas route and one for the
Batangas-Bicol route.
She said three other vehicles—two
shuttle buses and a Nissan Patrol service vehicle—had
also been converted and an “Enviro 2002” taxi
unit developed.
The Department of Energy, will
be spearheading the CNG program, has worked out the regulatory
framework for the natural gas policy.
Sana pati halaga ng sasakyan, kalahatiin din ang presyo! |
|
World's
cleanest car |
The
2003 Honda Civic GX Sedan natural gas powered vehicle
continues its run as the cleanest internal combustion
vehicle in the world.
Civic GX Sedan was designed to
operate on compressed natural gas and features a two-part
fuel regulator as well as an automatic Continuously Variable
Transmission. |
|
|
This
combination provides a target driving range of up
to 240 miles.
The Civic GX is also the
cleanest internal combustion vehicle ever tested
by Californian automotive authorities and emerged
as the first and only vehicle certified to the newest
Federal Tier II, Bin 2 emission level.
The 2003 Civic GX was designed
to comply with Advanced Technology, Partial Zero
Emission Vehicle (AT PZEV) criterion established
by California Air Resources Board. It is recognized
as a PZEV by meeting Super |
 |
|
|
|
|
Ultra Low Emission
Vehicle standards and maintaining its emissions durability
for at least 150,000 miles or 15 Years.
Additionally, because it operates
exclusively on natural gas with no provision for gasoline,
the Federal EPA categorized the Civic GX as an ILEV (Inherently
Low Emission Vehicle). Its sealed fuel system emits zero
evaporative emissions. Carbon monoxide emissions are 24
percent lower than a comparable gasoline vehicle. |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|